Martes, Marso 4, 2014

Pagkaun Sang Guimaras!

 
Ang aking probinsya ay ang Guimaras. Madalas akong umuwi dito upang mag relax at mag enjoy. Bago ka makarating sa Guimaras ay kailangan dumaan ka ng Ilo-ilo at sumakay ng pamboat pa Guimaras na nagtatagal 30 minutos na byahe.


Madaming magagandang lugar sa Guimaras. Ang larawan na ito ay sa Nagarao island, Guisi.  Kilala ang Guimaras dahil sa puting buhangin na meron ang kanila isla. Merong Raymen beach Resort, Baras Beach Resort , Villa Igang Beach Resort , La Puerta el Paraiso at madami pang iba. Ang mga isla na ito ay masarap lakbayin dahil tahimik, konti and tao ngunit magaganda ang tanawin, saksi ako dyan.


 Isa pang dahilan kung bakit kilala ang Guimaras dahil sa manamis na "manga" na walang katulad.  Bilang isang HRM student ,ang aking maibabahagi na kaalaman ay ang kung anong magandang i-partner sa manga na kaugalian naming mga guimarasnon. Walang iba kundi ang ibos.


Masarap kainin ang ibos at manga sa umaga. Manamnam mo ang tamis ng manga na ipinartner sa malagkit na kanin na tinatawag na ibos.


Isa pa sa maipagmamalaki ng aking probinsya ay baye- baye. It is made up of toasted rice with coconut. Ito ay mabibili na nakabalot sa dahon ng saging.  Mabigat sa tiyan ang baye-baye , mabubusog ka na sa isang balot ng baye baye.



Magandang bakasyunan ang Guimaras dahil sa ito ay tahimik at sa puti din na buhangin.  <3 br="" nbsp="">



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento